Pamahalaang probinsyal ng Zamboanga del Norte, magbigay ng P100,000.00 na ayuda para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes

15

Nakatakdang magbigay ng tulongpinasyal ang pamahalaang probinsyal ng Zamboanga del Norte sa pangunguna niZamboanga del Norte Gov. Roberto Y. Uy sa mga biktima ng lindol sa Itbayat,Batanes.
Ito’y matapos inaprobahan ngmga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na inihain ni Zamboangadel Norte Board Member Venus Uy, chairperson ng Committee on Finance andAppropriation, na naglalayong magbigay ng donasyon sa halagang P100,000.00bilang financial assistance para sa mga naapektuhang residente sa lugar.
Ang naturang halaga aynakatakda ng ibigay sa Provincial Government ng Batanes para matulungan mgabiktima ng lindol.  -30- (Mardy D. Libres)

Facebook Comments

From Advertisers