Pamahalang lokal ng lungsod, handa na para sa pagdiriwang sa 21st P’gsalabuk Festival 2019

Sa Dipolog, handa na ang pamahalaang lokal ng syudad ng Dipolog para sa pagdiriwang sa 21st P’gsalabuk Festival” 2019 kaugnay sa kapistahan ng syudad na sisimulan ngayong darating na May 3 at magtatapos sa May 31 nitong taon.

Magbubukas sa halos isang buwang selebrasyon ang “fluvial parade” na susundan ng “tuloy salu-salo” na gagawin sa Dipolog Boulevard.

Magbibigay kulay sa naturang selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad gaya ng “Triathlon 106 “ Competition na lalahukan ng mga tri-athletes mula sa iba’t ibang syudad sa bansa, “P’gsalabuk Street Dancing, Dance Sports Competition, P’gsalabuk Festival 2019 Jugging Tournament, 2nd P’gsalabuk Invitational BMX Competition, at marami pang iba.


Nakalatag narin ang seguridad para sa halos isang buwang selebrasyon.

Ang “pagsalabuk” ay isang subanen word na ang ibig sabihin ay “togetherness”.

Facebook Comments