PAMALAKAYA PILIPINAS, IKINALUNGKOT ANG NAGANAP NA PAGKAMATAY NG TATLONG MANGINGISDA NA NABANGGA NG FOREIGN VESSEL SA WEST PHILIPPINE SEA

Isang nakakalungkot na balita ayon sa Pamalakaya Pilipinas ang naganap na pagkamatay ng tatlong mangingisda matapos na mabangga ang kanilang fishing boat sa West Philippine Sea.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pamalakaya Pilipinas National Chairperson Fernando Hicap, nakikipag ugnayan sila ngayon sa mga kaanak ng mga namatay maging ng mga nasugatan sa insidente.
Aniya dapat lamang na mapanagot ang mga nasa likod ng nasabing oagkakabangga upang mabigyan ng hustisya ang insidente.

Bagamat may impormasyon na kung anong foreign vessel ang bumangga sa mga ito, hindi pa din naman aniya umaako ang mga ito.
Samantala umaasa naman ang Pamalakaya Pilipinas na tutuparin ng Pangulong Bongbong Marcos ang Kanyang pangako kaugnay sa pagbibigay hustisya sa pagkamatay ng tatlo. |ifmnews 
Facebook Comments