PAMALIT 5-6 | Abot-kayang pautang, pinondohan ng DTI

Manila, Philippines – Naglaan ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isang bilyong piso para sa susunod na taon na layong suportahan ang “Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso” o P3 Program ng Duterte administration.

Kasunod ito ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na magbigyan ng abot-kayang pautang ang mga maliliit na negosyante at wakasan ang ‘5-6’.

Ayon kay DTI-Regional Operations Group Undersecretary Zenaida Maglaya – mula nitong November 24, 2017, aabot na sa higit 16,000 micro entrepreneurs ang natulungan ng P3.


Target nito ang 30 mahihirap na probinsya sa bansa.

Malaki ang naitutulong ng P3 para patatagin ang presyo ng mga bilihin at mahihikayat ang mga small entrepreneurs na palaguin ang kanilang negosyo, magbukas ng trabaho at oportunidad para sa iba pang Pilipino.

Facebook Comments