Pamamahagi ng 13th month pay, dapat cash lang – DOLE

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na dapat cash ibibigay sa mga empleyado ang 13th month pay.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi pwedeng in-kind ang ibibigay sa mga manggagawa.

Bukod dito paalala pa ng kalihim na Huwebes, December 24 ang deadline para sa 13th month pay.


Basta nakapagtrabaho ang isang manggagawa sa loob ng isang buwan ay titulado na silang makatanggap ng benepisyo.

Iginiit ng kalihim na walang extension, walang postponement at walang deferment.

Facebook Comments