Ipamamahagi na ngayong linggo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, ipamamahagi na nila ang SAP sa mga lugar na natapos na ang validation process.
Aniya, mahalaga ang validation process para matiyak na karapat-dapat at kwalipikado ang benepisaryo at para maiwasan din ang duplication.
Maliban dito, nagkaroon din aniya ng bahagyang delay sa distribution process matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanilang 11 SAP workers habang nasa 900 naman ang na-quarantine.
Sinabi din ni Paje na inihahanda na rin ang ayuda para 3.5 milyong low-income families na kasama sa mga waitlisted beneficiaries.
Facebook Comments