Pamamahagi ng 2nd Wave ng SAP kahit naka-GCQ, Ipinaglalaban!

Cauayan City, Isabela- Isa si City Mayor Bernard Dy sa mga alkalde sa Lalawigan na ipinaglalaban ang pamamahagi pa rin ng 2nd wave ng Social Amelioraton Program sa mga benepisyaryo sa Lungsod ng Cauayan.

Ito’y matapos magkaroon ng kasunduan sa National government na ang mga lugar na kasama sa General Community Quarantine ay hindi na mamamahagi ng second tranche ng SAP dahil ilalaan na lamang umano ang ayuda sa mga lugar na mananatili sa Enhanced Community Quarantine.

Giit naman ng alkalde na dapat ibigay pa rin ang ayuda sa mga SAP beneficiaries kahit na naka-GCQ na.


Aniya, pareho pa rin sa mga naunang nakatanggap ng cash assistance ang bibigyan sa second tranche ng SAP subalit tatanggalin na ang ibang pangalan na may kaso ng paglabag sa ECQ maging ang mga nakakuha na hindi naman karapat-dapat.

Samantala, pinapayuhan ng alkalde ang bawat pamilya sa Lungsod na magrehistro sa Relief Assistance Monitoring System (RAMS) o pirmahan ng tapat at kumpleto ang registration form na nakalakip sa mga ibinibigay na relief goods at ibalik sa barangay na magsisilbing basehan ng LGU sa pagbibigay ng iba pang tulong.

Facebook Comments