Pamamahagi ng Allowance at Financial Assistance sa mga BRO Iskolar at Tobacco Farmer’s, Patuloy!

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang pamimigay ng alawans sa mga mag-aaral sa ilalim ng BRO-Education program at tobacco farmers ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Ngayon umaga ay nakatakdang magtungo sa bayan ng Gamu si Isabela Gov. Rodito Albano III upang pangunahan ang pamamahagi ng alawans sa mga kabataang mag-aaral sa kolehiyo at mga magsasaka na nagtatanim ng tabako.

Itoy bilang bahagi pa rin sa programa ni Gov.Albano na kailangang lahat ng anak ng magsasaka o marginalized farmers sa lalawigan ng Isabela ay mabigyan ng libreng pag-aaral o scholar.


Kaalinsabay nito ang isinasagawang orientation sa itatayong “Super Coop.” para matugunan umano ang pangangailangan ng ating mga magsasaka na ngayon ay naaapektuhan na umano dahil sa rice tarrification law.

Facebook Comments