Inanunsyo ng Pamahalaang lungsod ng Taguig na hanggang ngayong araw na lang ang pamamahagi ng allowance para sa mga estudyanteng scholar nito.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, nagsimula ang pamamahagi ng naturang allowance ay noon pang December 9, 2020.
Aniya, nasa 7,000 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nakabenepisyo nito, mula sa siyam na mga eskwelahan ng lungosd, kung saan makakatanggap ng P10,000 bawat scholar.
Iginiit ni Cayetano na ang nasabing allowance ay gagamitin upang ipangbayad sa miscellaneous at iba pang mga bayarin sa paaralan.
Tiniyak naman ng alkade na mahigpit na ipinatutupad ang mga health protocol laban sa COVID-19 sa pamamahagi ng nasabing allowance para sa mga estudyante ng lungsod.
Facebook Comments