Pamamahagi ng ayuda, dapat idaan sa ligtas at mabilis na paraan

Hinikayat ni Sentor Joel Villanueva ang Local Government Units (LGUs) na gawing cash o pera na lang ang ayuda para sa mga pamilyang labis na apektado ng umiiral na Enhanced Community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Giit pa ni Villanueva, dapat tiyaking maipapamahagi ang ayuda sa online o personal o iba pang ligtas at mabilis na paraan kung saan walang puwang na mahawa ng COVID-19 ang mga benepisaryo.

Higit sa lahat, tulad ng pandemic ay umaasa si Villanueva na dapat ay may second at third waves din ang ayuda.


Binanggit ni Villanueva na dapat ay maituring na initial downpayment muna ng gobyerno ang P1,000 para sa two gives o three gives na tulong pinasyal.

Facebook Comments