Pamamahagi ng ayuda, DSWD lang dapat ang gagawa at hindi kasama ang mga politiko

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dapat ipagbawal ng Commission on Elections o COMELEC na kasama ang politiko o kandidato sa pamamahagi ng ayuda at dapat DSWD lamang ang gagawa nito.

Kasabay nito ang babala ng senador na posibleng magamit ang ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at ang iba pang social assistance program ng pamahalaan sa pagkuha ng boto ngayong papalapit na ang 2025 midterm elections.

Nilinaw ni Dela Rosa na hindi siya tutol sa pamamahagi ng ayuda sa mga tao subalit ito ay dapat ginagawa lamang ng ahensya at hindi kasama ang mga tumatakbong politiko.


Kung tutuusin aniya ay napakaganda ng mga ayuda program kung hindi sana mahahaluan ng pamomolitika.

Sinabi pa ni Dela Rosa na kahit pa mayroong ₱6 billion na AKAP Program ang mga senador ngayong taon ay hinding-hindi niya ito kukunin at kakausapin niya ang liderato ng Senado na ibigay na lamang ito sa ibang mambabatas.

Facebook Comments