Pamamahagi ng ayuda, hindi dapat akuin ng national government

Mariing tinutulan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na mailipat sa national government ang pamamahagi ng ayuda.

Katwiran ni Recto, mas mainam na magbayanihan sa pamamahagi ng ayuda bukod sa mas nakakatipid ng oras at pera ang national government sa pagpasa nito ng trabaho sa mga lokal na pamahalaan.

Paliwanag ni Recto, mas kabisado ng mga taga-city hall ang mga kasuluk-sulukan ng kanilang lugar.


Habang aniya, hindi makakabuti sa national government ang pamamahagi ng ayuda para sa isang siyudad tulad ng Maynila dahil baka sa Malacañang pumila ang mga tao kapag nagkaroon ng aberya.

Binanggit naman ni Recto na ang lungsod ng Maynila ay ilang buwan ng naghahatid ng kahon-kahong mga pagkain sa mga residente nito kaya mayroon na itong nakalatag na sistema at paraan na hindi dapat basta-basta mapapalitan.

Pinuri rin ni Recto ang napakabilis na pagtatayo ng Maynila ng 344 bed field hospital sa loob ng pitong linggo at wala siyang alam na nagawa ito ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments