Pamamahagi ng ayuda mula sa national government sa mga ECQ areas, masisimulan na bukas

Natanggap na nang nasa 90% ng mga Local Government Unit (LGU) ang pondo mula sa National Treasury para sa ayuda sa mga naapektuhan ng umiiral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus areas.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing.

Ayon kay Malaya, bukas makapagsisimula na ang mga LGUs na mamahagi ng P1,000 o hanggang P4,000 sa kada low-income families na nasa NCR Plus bubble.


Sinabi ni Malaya na bukas mamimigay na ng ayuda ang Parañaque LGU habang sa hapon ay susundan naman ito ng Caloocan City LGU.

Magbibigay na rin ng ayuda ang Maynila, Mandaluyong, Valenzuela at iba pang syudad sa Metro Manila, gayundin ang mga LGU sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa kanilang mga apektadong constituents.

Sa pagtaya ng Department of Budget and Management, mayroong 11.2M indibidwal ang magiging benepisyaryo sa NCR, 3M sa Bulacan, 3.4M sa Cavite habang 2.7M sa Laguna at 2.6M sa Rizal.

Facebook Comments