Pamamahagi ng ayuda sa Brgy. Cupang sa Antipolo, ipinatigil dahil sa kawalan ng kaayusan

Ipinahinto muna ng Antipolo City Government ang pamamahagi ng ayuda dahil sa kawalan ng kaayusan sa mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Brgy. Cupang sa Antipolo City.

Ayon kay Antipolo PIO Chief Jun Ynares, inihinto ang pamamahagi ng ayuda dahil sa kawalan umano ng kaayusan sa sobrang dami ng mga tao na nagpunta at nagrereklamo dahil wala sa listahan.

Paliwanag ni Ynares, ang DSWD payout ay susubukan muling ganapin bukas, May 8, 2020, Biyernes sa tatlong magkakaibang lugar kung saan umaasa siya na sana ay magkaroon na ng kaayusan upang hindi maulit ang pagkansela sa kalagitnaan ng pamamahagi ng SAP ng DSWD.


Giit nito, upang magkaroon ng peace and order bukas ay paiigtingin nila ang presensya ng mga pulis at sundalo sa pay out ng SAP ng DSWD.

Facebook Comments