Tuloy na ang pamamahagi ng ayuda sa lokal na pamahalaan ng Maynila na papangasiwaan ng Manila Department of Social Welfare.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nagpapasalamat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga ahensiya ng gobyerno para sa mga residente.
Umapela pa si Moreno sa publiko na huwag mag-uunahan at panatilihin ang disiplina sa panahon ng pamamahagi ng tulong.
Sa ngayon, pag-amin ng Manila Department of Social Welfare na nangangamba sila na mawalan ng ayuda ang mahigit walong ligong pamilya.
Ito ay dahil sa mas mababa nang mahigit P34 million ang pondo, kumpara sa nakuha ng lungsod noong Abril mula sa pambansang pamahalaan.
Facebook Comments