Pansamantalang inihinto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng educational assistance sa Boac, Marinduque.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, kinakailangan itong gawin ng kanilang mga opisyal sa regional office sa MIMAROPA dahil hindi na nasusunod ang minimun health protocols.
Aniya, kasunod ito ng pagdagsa ng mga aplilante sa kanilang satellite offices sa kabila ng no walk-in policy.
Muling nagpaalala ang ahensya sa mga aplikante na antayin muna ang text confirmation para masigurong maayos ang pamamahagi ng educational assistance.
Para sa mga walang access sa internet o cellphone, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maglatag ng panuntunan upang mapagsilbihan pa ang mga estudyante na nangangailangan ng tulong.