Pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino, pinabibilisan ng isang senador

Iginiit ni Senator Leila de Lima sa gobyerno na madaliin ang pagbibigay ng ₱500 na ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

Ito ay bilang tulong sa kanila sa loob ng 3 buwan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dismayado si De Lima na tatlong na ang nakakalipas simula ng i-iutos ni pangulong rodrigo duterte ang pamamahagi ng natirang ayuda pero hindi pa rin ito natatanggap ng mga benepisaryo.


Naniniwala si De Lima na Maganda ang intensyon ng pangakong pagtulong.

Pero ayon kay De Lima kung magagaya lang ito sa mga pangakong hindi matutupad at lubhang matagal ang pag-usad, ay tumatagal din ang kalbaryo ng mga kababayan nating mas nangangailangan.

Facebook Comments