Pamamahagi ng ayuda sa mga manggagawa, pinamamadali nina VP Robredo at Trillanes

Kasabay ng paggunita ng Labor Day bukas, nanawagan sina Vice President Leni Robredo at Dating Sen. Sonny Trillanes na paspasan ang pagbibigay ayuda sa mga nawalan ng trabaho.

Giit ni VP Leni at Trillanes, ang kawalan ng tamang programa ang dahilan kung bakit lumobo ang unemployment rate sa 4.2 milyon nitong pandemya.

Anila, dapat sinusuportahan din ng gobyerno ang mga locally produced product sa bansa na malaking tulong sa mga Pilipino.


Kailangan lang din ng gobyerno na maging creative, at magkaroon ng puso at malasakit para sa mga manggagawa.

Facebook Comments