Pinalawig pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng muling pagsailalim ng ilang lugar sa Enhanced Communnity Quarantine (ECQ).
Kasabay ito ng inaasahang pagtatapos na ngayong araw ng pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magaganap na ito hanggang sa ika-31 ng Agosto.
Ito ay para makapagbigay pa ng tamang panahon sa mga Local Government Unit (LGU) sa pamamahagi ng ayuda.
Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 8,441,905,000 o 75% ang naipamahaging ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ na nasa 8,441,905 ang bilang.
Mula ito sa alokasyong 11,256,348,000 na ibinigay ng National Government.
Facebook Comments