Pamamahagi ng ayuda sa pagsalubong sa Bagong Taon, fake news ayon sa DSWD

Nagbabala sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag maniniwala sa kumakalat na balita sa social media tungkol sa pamamahagi ng ayuda ng departamento ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa isang advisory, sinabi ng DSWD na huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na link sa mga messenger na ang DSWD ay namamahagi ng New Year’s gift sa pamamagitan ng pagsagot sa isang survery questionnaire.

Nilinaw ng DSWD na wala silang pinasasagutang survey questions ngayong holiday season.


Iginiit ng departamento na hindi dapat magpalinlang sa mga post at paniwalaan lamang mga post mula sa official facebook page ng DSWD.

Muling ipinaalala ng DSWD na huwag i-click ang anumang link na matatanggap mula sa mga page na gumagamit ng kanilang logo at pangalan at ugaliing i-check kung lehitimo ang bawat website na inyong binibisita upang hindi mabiktima ng panloloko.

Facebook Comments