Inihayag ng Pamahalaang lungsod ng Taguig na sisimulan na bukas ang kanilang pamamahagi ng ayudang pinansyal sa mga residente ng lungsod na apektado ng Enhanced Community Quarantine o (ECQ).
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, nasa ₱805.8 million ang ibinigay ng ng national governent sa lungsod.
Aniya, ang mga beneficiaries ng nasabing ayuda ay ang mga residente na kabilang sa Social Amelioration Program o SAP alinsunod sa Bayanihan Act 1 at 2 at sa SAP wait-listed beneficiaries.
Kasama rin anya ang mga kabilang sa vulnerable groups kagaya ng mga low-income individuals na walang kasama, Person with Disabilities o PWDs, solo parents at iba pang indibidwal na apektado ng ECQ na matutukoy ng lungsod kung meron pang matitirang pondo.
Matatandaan, ipinag-utos ng national government sa Department of Social Welfare and Development (DSWD )na magbigay ng financial assistance sa mga apektado ng muling pagpapatupad ng ECQ sa National Capital Region o NCR o NCR plus bubble.