Pagkatapos nang Semana Santa mapapasimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash relief assistance para sa mga driver ng pampublikong sasakyan sa labas ng National Capital Region.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, target ng kagawaran na simulan ang rollout pagkatapos ng Holy Week, habang patuloy naman ang pamamahagi sa Metro Manila.
Magpapatuloy ang pay out ngayong linggo kung saan inaasahang makatatanggap ng ayuda ang mahigit 27,000 TNVS drivers simula bukas habang mahigit 21,000 jeepney drivers sa Miyerkules.
Susundan ito ng delivery riders sa Marso 26 at 27, at motorcycle taxi drivers sa Marso 28.
Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng ₱5,000 ayuda upang makatulong sa gastos sa krudo at pang-araw-araw na pangangailangan.
Tiniyak naman ng DSWD ang mahigpit na beripikasyon upang masigurong maayos at mabilis ang pamamahagi ng ayuda.










