Pasisimulan na bukas ng Caloocan Local Government Unit (LGU) ang bagong ayuda mula sa national government para sa mga kwalipikadong indibidwal na naapektuhan ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ito ay matapos matanggap na ng Pamahalaang Lungsod ang P1,336,190,000 pondo para sa ayuda.
Batay sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan, cash assistance at hindi in-kind ang ipapamahagi.
Sa listahan na nanggaling sa Department of Social Welfare and Development, hindi bababa sa 368,925 residente sa lungsod ang nakatakdang makatanggap ng nasabing cash aid.
Base sa guidelines, ang bawat kwalipikadong indibidwal ay makakatanggap ng P1,000 o hanggang P4,000 kada pamilya.
Kabilang sa mga bibigyang ayuda ay ang mga sumusunod:
1. Beneficiaries of Social Amelioration Program (SAP) under the Bayanihan Act 1 and additional beneficiaries of emergency subsidy Under Section 4f(3) of Bayanihan Act 2.
2. SAP waitlisted beneficiaries.
Paalala ng LGU sa kwalipikadong indibidwal, hintayin ang text mula sa Pamahalaang Lungsod para sa inyong reference number at magiging schedule at venue ng pay-out.