Pamamahagi ng bagong ayuda, umarangkada na sa ilang barangay sa Caloocan City

Sinimulan na ang unang araw ng pamamahagi ng cash assistance sa Caloocan City.

Dahil sa malaking populasyon ng Caloocan at sa ipinatutupad nating social distancing ay 1,500 benepisyaryo lamang kada venue ang kayang ma-accommodate sa araw na ito.

Sa abiso ng Caloocan, bago magtungo sa venue ay dapat makatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng text message, kasama ang reference number at schedule kung kailan dapat i-claim ang ayuda.


Base sa guidelines, ang bawat kwalipikadong indibidwal ay makatatanggap ng P1,000 o hanggang P4,000 kada pamilya.

Kabilang sa mga makatatanggap ay ang:

1. Beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan Act 1 at additional beneficiaries ng emergency subsidy sa ilalim ng Section 4 (3) ng Bayanihan Act 2.

2. SAP waitlisted beneficiaries

Facebook Comments