Pinapapaspasan ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan ang distribusyon ng COVID-19 vaccines sa mga probinsya.
Sa gitna ito ng lumalakas na panawagan ng mga lokal na pamahalaan sa mga probinsya na agad silang mabigyan ng suplay ng bakuna.
Giit ni VP Leni, hindi na lamang sa Metro Manila ang konsentrasyon ng kaso ng COVID-19.
Bukod dito, dapat din aniyang taasan ng gobyerno ang target vaccinations per day.
Tuloy-tuloy naman ang Vaccine Express ng Office of the Vice President (OVP) na layong paigtingin ang vaccination efforts sa iba’t ibang bahagi ng bansa tungo sa pagkamit ng herd immunity.
Nitong linggo, umabot sa 2,290 na mga residente ng Magalang, Pampanga ang nabakunahan sa Vaccine Express kaisa ang Municipal Government ng Magalang, Angat Buhay partners, at mga medical at gonon-medical volunteers.