Pamamahagi ng bigas sa halip na pera sa 4Ps beneficiaries, iminungkahi ng DA kay PBBM

Iminungkahi ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bigas na lamang ang ibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na pera.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DA Undersecretary Roger Navarro, makatutulong itong mapababa ang inflation dahil hindi na makikipagsabayan ang mga 4Ps beneficiary sa ibang mamamayan sa pagbili ng bigas.

Mawawala aniya ang pressure sa inflation dahil ilang milyon ang benepisyaryo ng 4Ps na tatanggap ng bigas.


Ayon kay Navarro, kukunin ang bigas na ipamamahagi mula sa supply ng National Food Authority (NFA)

Ikinokonsidera naman aniya ng pangulo ang naturang ideya at pag-aaralan kung paano ipatutupad ito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 4.2 milyong 4Ps beneficiaries sa bansa na tumatanggap ng buwanang ₱500 kada pamilya, bukod pa sa dagdag na ₱300 sa bawat tatlong bata para sa educational allowance ng mga ito.

Facebook Comments