Iminungkahi ng Department of Agriculture (DA) na ipamahagi ang bigas sa mga mahihirap na pamilya bilang alternatibo sa pagbibigay ng pera.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, bukas si Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista sa panukala.
Aniya, nagkaroon na ng final discussions hinggil dito.
Ang mga bigas ay bibilhin sa provincial government na magnenegosyo at mula sa National Food Authority (NFA).
Irerekomenda rin nila ito sa Kongreso bilang permanenteng polisiya.
Ang DSWD ay nagbibigay ng rice subsidy na nagkakahalaga ng 600 piso kada buwan sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4ps) mula pa noong 2017.
Facebook Comments