Cauayan City, Isabela- Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng ayudang tig-10 kilong bigas sa bawat pamilya sa Lungsod ng Tuguegarao.
Ang Tuguegarao City ay epicenter ng COVID-19 infection sa buong Lalawigan.
Ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 12, 2021, namahagi ng tulong na bigas sa Barangay Larion Bajo, Larion Alto at Centro 12 at ngayong hapon ay nakatakda namang magtungo ang grupo ng Kapitolyo sa PGC sa Annafunan West sa Lungsod.
Sa kasalukuyan, may 43 barangay na ang na-aayudahan ng provincial government na binubuo ng 35,719 pamilya.
Facebook Comments