
Umaasa ang Department of Agriculture o DA na makakapagsimula na muli ang mga magsasakang naapektuhan ng mga bagyo at habagat.
Kasunod na rin ito ng pamamahagi ng DA ng mga binhi at iba pang tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Crising, Dante at Emong.
Ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa, ang mga magsasaka ng palay ang napuruhan ng mga nagdaang bagyo.
Aniya sa P3 billion na agricultural loss dahil sa kalamidad, nasa P1.69 billion na halaga ng pinsala ay mula sa mga magsasaka ng palay.
Dahil sa pagkaantala naman ng pagtatanim ng palay ng mga magsasaka ay posibleng sa katapusan na ng Nobyembre makakapag-ani ang mga magsasaka mula sa dating anihan na nag-uumpisa sa ikalawang linggo ng buwan ng Setyembre hanggang katapusan ng Oktubre.
Sa kabila nito, tiwala si De Mesa na mas maganda ang ani ng mga magsasaka sa ikalawang cropping period ngayong taon dahil walang iiral na La Nina.









