PAMAMAHAGI NG BRO-ED SCHOLARSHIP ALLOWANCE, ISASAGAWA NGAYONG ARAW

Cauayan City – Matapos ang matagal na paghihintay, matatanggap na ng mga BRO for Education Scholars mula sa bayan ng Luna, Reina Mercedes, at Naguilian, Isabela ang kanilang allowance.

Sa inilabas na anunsyo ng BRO for Education, magaganap ang scholarship payout sa Brgy. Centro 1, Community Center, Luna, Isabela, Brgy. Dangan Community Center, Reina Mercedes, Isabela, at Brgy. Cabaruan, Naguilian, Isabela.

Inilabas na rin ng BRO for Education ang master list ng mga tatanggap ng nasabing scholarship allowance sa kanilang official Facebook page.


Samantala, pinaalalahanan naman ang mga tatanggap ng allowance na sa pagtanggap, siguraduhing tandaan ang kanilang payroll number at dalhin ang kanilang certificate of scholarship, School ID o kahit anong valid ID, at sariling ballpen.

Facebook Comments