Pamamahagi ng cash aid at bakuhanan, kayang mapagsabay – Metro Manila Mayors

Tiniyak ng mga alkalde sa Metro Manila ang sabayang pamamahagi ng ayuda at pagpapaigting ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa rehiyon kahit umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, target na mabigyan ng financial aid ang 80 percent ng 14 million pamilya sa NCR.

Aniya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matapos ang pamamahagi ng ayuda sa loob ng dalawang linggong ECQ.


Una nang sinabi ng mga alkalde na target nilang makapagbakuna ng 250,000 kada araw sa loob ng dalawang linggong ECQ.

Facebook Comments