Pamamahagi ng cash aid sa Upper Bicutan, Taguig, pansamantalang sinuspinde

Pansamantalang itinigil ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang pamimigay ng cash aid sa Upper Bicutan, Taguig ngayong araw.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ito ay matapos na magbanta ang ilang residente na wala sa listahan na manggugulo sila at sasaktan ang mga mamamahagi ng ayuda, security staff, at mga police.

Iginiit ni Mayor Cayetano, ang national government ang gumawa ng listahan para sa ayuda na naging basehan ang mga nasa Social Amelioration Program o SAP 1 at 2.


Sa kabila nito, tiniyak ni Cayetano na wala silang binawas o dinagdag sa listahan ng beneficiaries ng nasabing ayudang pinansyal.

Facebook Comments