Magulo ang naging pamamahagi ng cash assistance sa mga naapektuhan ng ipinatupad na dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble.
Ito ang naging obserbasyon ng Associated Labor Unions Trade-Union Congress of the Philippines dahil sa magkakaibang listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Local Government Units (LGUs).
Sa interview ng RMN Manila, iminungkahi ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na gawing isa na lamang ang listahan na pagbabatayan sa mga beneficiaries na makakatanggap ng mga ayuda sakaling muling magpatupad ng ECQ.
Samantala, sinabi rin ni Tanjusay na kung pinalawig pa muli nang isang linggo ang ECQ ay posibleng humingi sila ng isa pang round ng cash assistance lalo na’t halos kalahating milyon ang nawalan ng trabaho noong nakaraang linggo.