Sa pakikipag-tulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), mamamahagi ng cash assistance ang Land Bank of the Philippines sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng DOLE Akap (abot kamay ang pagtulong) for OFWs Program, aabot sa 135,720 displaced land-based and sea-based OFWs ang makakatanggap ng one-time financial assistance na 200 dollar o katumbas ng 10,000 pesos.
Ang programa ay kinabibilangan ng 85,720 on-site OFWs na nakabase sa abroad at 50,000 repatriated ofws na nasa pilipinas sa ilalim ng “Balik-Manggagawa” program.
Ang cash assistance ay matatanggap sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) gamit ang LandBank’s Outgoing Telegraphic Transfer (OTT) na libre at walang bayad.
Sa ngayon, as of May 5, aabot na sa 2,468 OFWs ang na-benepisyuhan ng programa galing sa 24.68 milyong pisong pondong nailabas ng LandBank.