Pamamahagi ng cash card para sa mga senior citizen ng Pasig, muling aarangkada ngayong araw

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pwedeng i-claim ngayong araw ang mga cash card para sa mga senior citizen mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Batay sa abiso ng lungsod sa kanilang Facebook account, sa hindi pa nakakakuha ng kanilang cash card ay maaaring magpunta sa pinalamalapit na LandBank branches sa kanilang barangay.

Pero upang mapanatili social distancing, ang pamamahagi ng cash card ngayong araw ay para lamang sa mga barangay ng Kapitolyo, Pineda, Ugong, Sta. Cruz, San Nicolas, at Sto. Tomas.


Para naman malaman kung nasa listahan ang kanilang mga pangalan, maaari itong i-check official Facebook account ng Pasig City.

Matatandaan na nagsimulang mamahagi ng cash card para sa mga senior citizen ng Pasig ang lokal na pamahalaan nito noong December 12, at target nilang tapusin ito sa December 20 ngayon taon.

Facebook Comments