
Papalo sa mahigit 57,000 na benepisaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program ang makikinabang sa cash for work pay-out para sa mga magulang at guardians ng mga nahihirap at non-reader elementary learners.
Kasunod na rin ito ng pag-uumpisa ng payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa naturang programa.
Sa ilalim ng Tara, Basa!, program, ang mga magulang at guardians ng mga mga nahihirapan at non-reader elementary learners ay required na dumalo sa Nanay-Tatay teacher sessions na isasagawa ng Youth Development Workers (YDWs).
Ang mga tutors naman ay tuturuan ang mga nahihirapan at non-reader elementary learners na mapabuti pa ang kanilang reading at comprehension skills.
Ang bawat parent o guardian ay makatatanggap ng CFW na nagkakahalaga ng P235 kada Nanay-Tatay teacher session habang ang mga parents at guardians na makakakumpleto ng 20-day sessions ay tatanggap ng P4,700.
Sinabi ni DSWD Innovations and Programs Development Group USec. Edu Punay, sa naturang programa, hindi lamang cash-for-work ang matatanggap ng mga magulang at guardians kundi mabibigyan din sila ng pagkakataon na maging bahagi sa paghubog ng kinabukasan ng kanilang mga anak.









