Pamamahagi ng COVID-19 test kits sa mga lalawigan, sisimulan na ng FDA

Sinimulan na ng Food and Drug Administration (FDA) na magpadala ng COVID-19 testing kit sa mga ospital sa mga lalawigan.

Ayon kay FDA Director General Dr. Eric Domingo, inaasahang nilang masisimulan na sa mga susunod na araw na magamit ang mga COVID test.

Sinabi din ni Domingo na sinimulan na rin ang parallel testing ng mga kits na gawa ng mga scientist mula Unibersidad ng Pilipinas (UP).


Aniya, posibleng sa loob ng isa o dalawang linggo at magagamit na ang mga testing kits.

Muli namang nanawagan sa publiko si Domingo na hindi dapat tangkilikin ang mga COVID-19 test kit na binebenta dahil hindi ito na-check ng kanilang ahensya.

Facebook Comments