Pamamahagi ng COVID health emergency allowance, halos nasa 79% na ayon kay PBBM

Nasa 78.92% na ang health workers na nakatanggap ng COVID-19 health emergency allowance.

Ito ang iniulat ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa publiko kasunod ng selebrasyon ng health workers day.

Ayon sa pangulo, sa naturang bilang nasa P59.8 billion ang halaga ng pondong inilaan ng pamahalaan para sa allowance ng mga frontliner.


Ang naturang hakbang aniya ay alinsunod sa pangako ng administrasyong Marcos na maipamahagi ang benepisyo ng mga frontliners na buong tapang tumupad ng kanilang tungkulin nuong panahon ng COVID-19.

Dagdag pa ng pangulo na importanteng pahalagahan ang mga healthcare workersna nagpakita ng kanilang galing at malasakit sa buong mundo.

Facebook Comments