Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaprayoridad ng pamahalaan ang safety at quality ng lahat ng COVID-19 vaccines na ipinapamahaghi sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa Pasay City, siniguro ni Pangulong Duterte na ang lahat ng bakunang ipinapadala sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay ligtas.
“Let me assure everyone that throughout our vaccination rollout we will prioritize the safety and quality of all vaccines that we are distributing across the country,” he said.
Hinikayat muli ng pangulo ang mga Pilipino na magpabakuna para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
“To my fellow Filipinos, please know that we remain committed to acquiring a sufficient supply of safe and effective COVID-19 vaccines for all our countrymen,” sabi ng pangulo.
Nagpapasalamat din si Pangulong Duterte sa Japan sa pagpapadala nito ng higit isang milyong doses ng AstraZeneca vaccines.
Paalala pa ni Pangulong Duterte sa lahat na sundin ang health protocols kahit fully vaccinated.
Pinuri rin niya ang Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19 sa pagtitiyak na maayos ang delivery, distribution at rollout ng mga bakuna sa bansa.
Aktibo ring nakikipag-ugayan ang local health authorities sa foreign counterparts nito para sa patuloy na pag-aaral sa safety at efficacy ng mga bakuna.