Umabot na sa 97.92 percent ang naipamahaging ayuda para sa mga low-income families sa Metro Manila na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kabuuang 11,022,633 beneficiaries na ang nakatanggap ng kanilang ayuda.
Aniya, 12 Local Government Units (LGUs) na sa National Capital Region (NCR) ang nakatapos na sa payout mula nang sinimulan ito noong Agosto 11.
Ang Laguna at Bataan na inilaay rin sa ilalim ng ECQ ay 81.64 percent at 32.37 percent nang tapos sa pamamahagi ng kanilang ayuda.
Nauna nang naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P10.894 billion para sa ayuda ng mga apektadong indibidwal ng ECQ.
Facebook Comments