Pamamahagi ng face mask sa mga mahihirap, sinimulan na ng gobyerno, ayon sa NTF

Inumpisahan na ng pamahalaan ang pamamahagi ng face masks sa milyu-milyong mahihirap na Pilipino.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., aabot sa 30 milyong face mask ang kanilang ipinapamahagi alinsunod sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa face masks, nasa 20 milyong Pilipino ang mabibigyan ng COVID-19 vaccine nang libre.


Nabatid na ang “poorest of the poor” ang ipaprayoridad ng pamahalaan kung saan nasa 20 bilyong piso ang inilaan para sa pagbili ng bakuna na nagkakahalaga ng 10 dollars o halos 500 piso bawat dose.

Facebook Comments