Walang tigil ang pamamahagi ng family food packs sa mga lugar na lubhang apektado ng pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Batay sa ulat ng Office of the Press Secretary (OPS), ilan sa mga naabutan na nang tulong ay ang mga pamilyang nakatira sa dalawang barangay sa Lagonoy, Camarines Sur na ngayon ay isolated dahil sa malakas na pag-ulan.
Bukod dito nagpaabot na rin ng tulong ang field office 8 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lokal na pamahalaan ng Jipapad, Eastern Samar para maipamahagi sa mga naapektuhan ng pagbaha.
Tiniyak rin ng Malacañang na patuloy ang ahensya ng regional offices ng DSWD sa pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGU) para masiguro ang pagbibigay ng mga relief items sa mga apektadong indibidwal at pamilya.
Kamakailan ay una nang inutos ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa DSWD at iba pang concerned agencies ang pagsasagawa ng relief operations para sa mga apektado ng pagbaha.