Pamamahagi ng family food packs sa mga pamilyang apektado ng hard lockdown sa Cebu City, tiniyak ng DSWD

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje na nakahanda na ang family food packs na kanilang ipapamahagi sa mga pamilya sa Cebu City na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Paje, ipinag-utos na rin ni DSWD Secretary Rolando Bautista na madaliin at unahin ang pagpoproseso ng Social Amelioration Program (SAP) sa Cebu City para sa agarang pamamahagi nito.

Padadaanin aniya ang emergency subsidy sa digital payment platform para mas mabilis, ligtas, at convenient sa mga beneficiaries.


Habang magiging house-to-house naman ang pamamahagi nito kung ang tatanggap ay senior citizen o Person With Disability (PWDS).

Facebook Comments