Pamamahagi ng financial assistance sa San Juan City, nagpapatuloy

Tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng pamahalaang lungsod ng San Juan ng ayudang pinansyal sa mga residente nitong nangangailangan sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Ayon kay San Juan Mayor Francisco Zamora ito ay bahagi ng social services programs ng lungsod upang magbigayang ayuda ang mga residenteng nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng krisis.

Aniya, ngayong araw ay ilang mga residente ng San Juan ang mabibigayan ng cash, medical at burial assistance sa pamamagitan Public Assistance Center (PAC) sa pamumuno ni Van Topacio.


Ayon sa alkalde, ang pondong ginamit nito ay mula sa pamahalaang lungsod, katuwang ang opisina ni Congressman Ronny Zamora sa tulong na rin ni Atty. Bel Zamora na siyang tagapamahala ng Congressional District Office.

Hangad naman ng alkalde na magamit at mapakinabangan ng mga benepisyaryo ang kanilang natanggap na financial, medical at burial assistance.

Facebook Comments