Pamamahagi ng Financial Health Assistance sa mga PWD’s sa Cauayan City, Isinagawa!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na isinagawa ng tanggapan ng Cauayan City Persons With Disability (PWD) ang pamamahagi ng financial health assistance para sa mga may kapansanan na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ng Cauayan.

Pinangunahan ni City Mayor Bernard Dy ang pamamahagi ng tulong pinasyal na kaugnay sa 3rd. quarter distribution of financial health assistance kung saan ay nakatanggap naman ng halagang isang libo’t limang daan ang bawat benepisyaryo.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Jonathan Galutera, ang pinuno ng PWD sa lungsod ng Cauayan ay sinabi nito na nasa isang daan ang nabigyan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.


Ngunit ipinaliwanag ni ginoong Galutera na ilan lamang umano sa mga kwalipikado ang nabigyan ng financial health assistance na mga PWD’s na kung saan  ang mga kabilang dito ay  sa hanay ng mga mahihirap sa mahirap at mga walang kakayanang makapagtrabaho.

Aniya hindi lahat ng PWD’s ay nabibigyan ng tulong pinansyal dahil sa may iba pa naman umanong programa para sa iba pang miyembro katulad ng livelihood programs at medical assistance.

Samantala sinabi pa ni ginoong Galutera na nais umano ni Mayor Bernard Dy na dagdagan ng 150 slots ang mga miyembro ng mga nakakatanggap ng financial health asssistance para sa darating na taong 2019.

Plano naman ngayon ng tanggapan ng PWD na muling mag-ikot upang personal na mapuntahan ang mga kwalipikadong tatanggap ng naturang tulong pinansyal.



Facebook Comments