Pamamahagi ng food boxes sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program, muling sisimulan ng Manila LGU

Muling sisimulan ngayong araw ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang pamamahagi ng mga food boxes para sa mga residente sa lungsod.

Ito’y sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program (FSP) upang matulungan ang bawat pamilya na naapektuhan ng pamdemya.

Ito na ang ikalimang sunod na buwan na nagbibigay ng food boxes ang Manila LGU kung saan nasa 700,000 pamilya ang target na mabigyan ng nasabing ayuda.


Sisikapin ng lokal na pamahalaan agad na maihatid ang mga food boxes sa 896 na barangay sa lalong madaling panahon.

Ang naturang programa ay naisakatuparan mula sa reallignment ng 2021 budget ng Manila LGU na kung saan dito muna inilaan ang pondo mula sa ibang proyekto.

Ang bawat food boxes ay naglalaman nv tstlomg kilong bigas, 16 canned goods at walong sachet ng kape.

Facebook Comments