Pamamahagi ng food packs sa lungsod ng Pasay ngayong ECQ, sisimulan na ng lokal na pamahalaan

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pasay na sisimulan na nila ngayong araw ang pamamahagi ng food packs at ibang pang ayuda para sa kanilang mga residente.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang distribusyon ng food packs ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan habang hinihintay ng lungsod ang pagdating ng P356 milyon na financial aid na galing sa national government.

Sinabi pa ng alkalde na bago pa man mai-deklara ng gobyerno ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila ay nakipag-ugnayan na siya sa Sangguniang Panglungsod para sa paglalaan ng pondo na kanilang gagamitin sa pagbibigay ng tulong sa mga residente.


Para maiwasan naman na lumabas ng tahanan ang mga residente, gagawing house-to-house ang distribusyon ng mga food packs.

Idnagdag pa ni Mayor Emi na agad naman ipamamahagi ng lokal na pamahalaan ang cash aid para sa mga residente kapag natanggap na ng lungsod ang pondo bilang ayuda ng gobyerno.

Iginiit pa ng Alkalde na alam nilang hindi sapat ang matatanggap na P1,000 o maximum na P4,000 sa bawat pamilya kaya’t nais nila na mabigyan ang mga ito ng karagdagang ayuda tulad ng mga food packs habang nasa dalawang linggong ECQ ang Metro Manila.

Facebook Comments