Saturday, January 24, 2026

Pamamahagi ng food packs sa mga evacuee sa Bicol, pinalawak pa ng DSWD

Pinalawak pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang kanilang humanitarian operations.

Ito’y para sa pamamahagi ng Family Food Packs (FFP) para sa mga pamilyang lumikas dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Ayon sa DSWD, layon ng ikalawang yugto ng pamamahagi na masigurong tuloy-tuloy ang tulong sa mga evacuee na nananatili sa mga evacuation center.

Matatandaan noong Enero 22, namahagi ang DSWD ng food packs sa mga evacuee mula sa mga barangay ng Buang, Magapo, at Buhian sa Tabaco City, pati na rin sa ilang evacuation center sa Malilipot, kabilang ang San Jose at Tagaytay.

Habang sinimulan naman ang unang yugto ng food assistance sa 1,127 pamilyang lumikas sa loob ng 15 araw.

Facebook Comments