Binigyang diin ni Senator Francis Tolentino na hindi pampolitika ang pamamahagi ng gobyerno ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng pampublikong transportasyon.
Paliwanag ni Tolentino, ito ay tulong ng pamahalaan sa lahat ng public utility vehicles na labis na apektado ng walang humpay na pagtaas sa presyo ng langis.
Kaya naman para kay Tolentino, ang pamamahagi ng fuel subsidy ay hindi dapat saklawin ng ipinatutupad ng Commission on Elections (COMELEC) na ban o pagbabawal sa mga paggastos ng gobyerno sa panahon ng eleksyon na nagsimula nitong March 25 hanggang May 8.
Unang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ayuda dahil sa nasabing election ban pero ngayon ay pinahintulutan ng COMELEC na muli itong ituloy.