Pamamahagi ng housing units sa mga maaapektuhan ng Manila Bay clean-up, kasado na

Manila, Philippines – Natitiyak na ang pamamahagi ng housing units sa libu-libong pamilya mula sa informal settlers na maaapektuhan ng Manila Bay clean-up.

Personal na sinaksihan ni House Speaker Gloria Arroyo ang signing ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at Philippine Ports Authority (PPA) kasunod na rin ng mga ginawang pagdinig ng Oversight Committee on Housing.

Pumayag ang PPA na i-donate ang kanilang 5 ektaryang lupa sa Tondo, Maynila para sa mga informal settlers sa pamamagitan na rin ni Speaker Arroyo.


Aabot sa 2,000 pamilya mula sa Isla Puting Bato na madi-displaced sa ongoing rehabilitation ng Manila Bay ang magiging benepisyaryo ng housing units.

Bukod sa pabahay, pinatitiyak ni Arroyo sa PPA na hindi mapagkakaitan ng access sa kabuhayan ang mga beneficiaries.

Aabot naman sa P1 billion pondo ang ilalaan para sa proyektong ito.

Facebook Comments